Второзаконие 20 – CARS & TCB

Священное Писание

Второзаконие 20:1-20

Правила о ведении войны

1Когда ты выйдешь на войну с врагами и увидишь коней, колесницы и войско больше твоего – не бойся их, потому что Вечный, твой Бог, Который вывел тебя из Египта, будет с тобой. 2Перед началом сражения пусть выйдет вперёд священнослужитель и обратится к войску. 3Пусть он скажет: «Слушайте, люди Исраила, сегодня вы вступаете в сражение со своими врагами. Не будьте малодушны и не бойтесь, не страшитесь и не впадайте в панику. 4Ведь Вечный, ваш Бог, идёт сражаться за вас с вашим врагом, чтобы дать вам победу».

5Начальники скажут войску: «Есть ли здесь тот, кто построил новый дом, но не справил новоселья? Пусть идёт домой, иначе он может погибнуть в битве, и в его доме справит новоселье другой. 6Есть ли здесь тот, кто посадил виноградник, но не успел ещё собрать урожай? Пусть идёт домой, иначе он может погибнуть в битве, и урожай его виноградника соберёт другой. 7Есть ли здесь тот, кто обручился с девушкой, но не успел жениться на ней? Пусть идёт домой, иначе он может погибнуть в битве, и на ней женится другой». 8Затем пусть добавят: «Есть ли среди вас кто-нибудь, кто боится или малодушен? Пусть идёт домой, чтобы не заразить малодушием своих братьев». 9Закончив говорить с войском, они поставят над ним командиров.

10Когда ты подступишь к городу, чтобы напасть на него, предложи ему мир. 11Если жители города согласятся и откроют ворота, то они будут трудиться на тебя как рабы. 12Если они откажутся заключить мир и захотят воевать, возьми город в осаду. 13Когда Вечный, твой Бог, отдаст его в твои руки, предай в нём мечу всех мужчин. 14А женщин, детей, скот и всё, что есть в этом городе, можешь взять себе в добычу. Можешь пользоваться всем, что принадлежало твоим врагам. Вечный, твой Бог, отдал это тебе. 15Так ты должен обходиться со всеми городами, которые далеко от тебя и не принадлежат к окружающим тебя народам.

16Но в городах здешних народов, которые Вечный, твой Бог, отдаёт тебе как наследие, не оставляй в живых ни единой души. 17Полностью уничтожь эти народы – хеттов, аморреев, хананеев, перизеев, хивеев и иевусеев, как повелел тебе Вечный, твой Бог. 18Иначе они научат тебя следовать мерзким обычаям, которых они придерживаются, служа своим богам, и ты будешь грешить против Вечного, твоего Бога.

19Если ты будешь осаждать город долгое время, чтобы захватить его, то не вырубай деревья, ведь ты можешь есть их плоды. Не губи их. Разве деревья в поле это люди, чтобы держать их в осаде? 20Но ты можешь рубить деревья, которые не приносят плодов, и использовать их для осадных сооружений, пока город, который воюет с тобой, не падёт.

Tagalog Contemporary Bible

Deuteronomio 20:1-20

Ang mga Kautusan tungkol sa Digmaan

1“Kung kayoʼy makikipagdigma, at makita ninyo na mas marami ang mga kabayo, karwahe at sundalo ng inyong kalaban, huwag kayong matatakot, dahil kasama ninyo ang Panginoon na inyong Dios na naglabas sa inyo sa Egipto. 2Bago kayo pumunta sa digmaan, dapat lumapit muna ang pari sa harapan ng mga sundalo at sabihin, 3‘Makinig kayo, O mamamayan ng Israel! Sa araw na ito ay makikipagdigma kayo sa inyong mga kaaway. Lakasan ninyo ang inyong loob at huwag kayong matakot. 4Sapagkat ang Panginoon na inyong Dios ang sasama sa inyo! Makikipaglaban siya para sa inyo laban sa mga kaaway ninyo at pagtatagumpayin niya kayo!’

5“Pagkatapos, ganito dapat ang sasabihin ng mga opisyal sa mga sundalo: ‘Sinuman sa inyo ang may bagong bahay na hindi pa naitatalaga, umuwi siya, dahil baka mapatay siya sa labanan, at ibang tao ang magtalaga ng bahay niya. 6Kung mayroon sa inyong nakapagtanim ng ubas at hindi pa niya napapakinabangan ang bunga nito, umuwi rin siya dahil baka mapatay siya sa labanan at ang ibang tao ang makinabang nito. 7Kung may ikakasal sa inyo, umuwi siya dahil baka mapatay siya sa labanan at ang ibang tao ang pakasalan ng kanyang mapapangasawa.’

8“Sasabihin pa ng mga opisyal, ‘Kung mayroon sa inyong natatakot o naduduwag, umuwi siya dahil baka maduwag din ang mga kasama niya.’ 9Kapag natapos na ng mga opisyal ang pagsasabi nito sa mga sundalo, pipili sila ng mga pinuno para pamahalaan ang mga sundalo.

10“Kung sasalakay kayo sa isang lungsod, bigyan nʼyo muna sila ng pagkakataong sumuko. 11Kapag sumuko sila at buksan ang pintuan ng kanilang lungsod, gawin nʼyong alipin silang lahat at pagtrabahuhin para sa inyo. 12Pero kung hindi sila susuko kundi makikipaglaban sila sa inyo, salakayin ninyo sila. 13Kapag silaʼy natalo na ninyo sa tulong ng Panginoon na inyong Dios sa inyo, patayin ninyo ang lahat ng kanilang mga lalaki. 14Ngunit maaari ninyong bihagin ang mga babae, mga bata, at ang mga hayop, at maaari ninyong samsamin ang lahat ng ari-arian na nasa lungsod. Gamitin ninyo ang mga samsam na ito na ibinigay sa inyo ng Panginoon na inyong Dios mula sa mga kaaway ninyo. 15Gawin lang ninyo ito sa mga lungsod na hindi bahagi ng lupaing sasakupin ninyo. 16Pero patayin ninyong lahat ang tao sa mga lungsod na ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Dios bilang inyong mana. 17Lipulin ninyo ang lahat ng Heteo, Amoreo, Cananeo, Perezeo, Hiveo at Jebuseo, bilang handog sa Panginoon na inyong Dios ayon sa kanyang iniutos. 18Sapagkat kung hindi, tuturuan nila kayo ng lahat ng kasuklam-suklam na gawa na ginagawa nila sa pagsamba nila sa kanilang mga dios, at dahil ditoʼy magkakasala kayo sa Panginoon na inyong Dios. 19Kung matagal ang inyong pagsalakay sa isang lungsod, huwag ninyong puputulin ang mga punong namumunga. Kainin ninyo ang mga bunga nito, pero huwag nga ninyong puputulin, dahil hindi ninyo sila kalaban na inyong lilipulin. 20Pero maaari ninyong putulin ang mga puno na walang bunga o walang bunga na maaaring kainin, at gamitin ito sa pagsakop sa lungsod hanggang sa maagaw ninyo ito.