Psaumes 107 – BDS & TCB

La Bible du Semeur

Psaumes 107:1-43

Cinquième livre

Cantique des rachetés

1Célébrez l’Eternel, car il est bon,

car son amour ╵dure à toujours107.1 Voir 100.5 ; 106.1 ; 118.1, 29 ; 136 ; 1 Ch 16.34 ; 2 Ch 5.13 ; 7.3 ; Esd 3.11 ; Jr 33.11..

2Qu’ils le proclament, ╵tous ceux que l’Eternel a délivrés,

qu’il a sauvés des mains de l’oppresseur,

3et qu’il a rassemblés de tous pays :

de l’est, de l’ouest, du nord et du midi107.3 D’après la version syriaque. Texte hébreu traditionnel : la mer..

4Les uns erraient dans le désert ╵où il n’y a personne,

sans trouver le chemin ╵d’une ville habitée.

5Ils étaient affamés, ils avaient soif,

et ils étaient tout près de défaillir.

6Dans leur détresse, ╵ils crièrent à l’Eternel,

et il les délivra de leurs angoisses.

7Il les mena par un chemin tout droit

et les dirigea vers une ville habitable.

8Qu’ils louent donc l’Eternel ╵pour son amour,

pour ses merveilles ╵en faveur des humains !

9Il a désaltéré les assoiffés,

il a comblé de biens les affamés.

10D’autres se trouvaient dans des lieux, ╵où régnaient d’épaisses ténèbres ╵et l’obscurité la plus noire,

enchaînés dans la misère et les fers

11pour avoir bravé les commandements de Dieu

et méprisé les desseins du Très-Haut.

12Il les humilia ╵en les astreignant à un dur labeur :

ils succombaient, privés de tout secours.

13Dans leur détresse, ╵ils crièrent à l’Eternel,

et il les délivra de leurs angoisses.

14Il les fit sortir des lieux sombres ╵et ténébreux,

il rompit les liens qui les retenaient.

15Qu’ils louent donc l’Eternel pour son amour,

pour ses merveilles ╵en faveur des humains !

16Car il a brisé les portes de bronze

et il a rompu les verrous de fer.

17Des insensés, vivant dans le péché,

s’étaient rendus malheureux par leurs fautes.

18Tout aliment répugnait à leur bouche,

ils approchaient des portes de la mort.

19Dans leur détresse, ╵ils crièrent à l’Eternel,

et il les délivra de leurs angoisses.

20Il dit un mot et les guérit,

et il les fit échapper à la tombe.

21Qu’ils louent donc l’Eternel pour son amour,

pour ses merveilles ╵en faveur des humains !

22Et qu’ils lui offrent ╵des sacrifices de reconnaissance ;

qu’avec des cris de joie, ╵ils racontent ses œuvres.

23D’autres s’étaient embarqués sur la mer, ╵dans des bateaux

et ils vaquaient à leurs occupations ╵sur de profondes eaux.

24Ceux-là ont vu les œuvres ╵de l’Eternel,

et ses prodiges sur la haute mer.

25A sa parole, ╵il fit lever un vent impétueux

qui souleva les flots.

26Tantôt ils étaient portés jusqu’au ciel,

tantôt ils retombaient dans les abîmes,

et ainsi mis à mal, ils défaillaient.

27Pris de vertige, ils titubaient comme ivres,

et tout leur savoir-faire ╵s’était évanoui.

28Dans leur détresse, ╵ils crièrent à l’Eternel,

et il les délivra de leurs angoisses.

29Il calma la tempête,

et fit taire les flots ╵qui s’étaient soulevés contre eux.

30Ce calme fut pour eux cause de joie

et Dieu les guida au port désiré.

31Qu’ils louent donc l’Eternel pour son amour,

pour ses merveilles ╵en faveur des humains !

32Qu’ils disent sa grandeur ╵dans l’assemblée du peuple,

et qu’ils le louent ╵au conseil des autorités107.32 L’assemblée du peuple pour le culte et le conseil des responsables réunis aux portes de la ville où se traitaient les affaires publiques étaient les lieux où celui qui avait été délivré pouvait rendre témoignage à Dieu..

33Il peut faire tarir les fleuves ╵et les transformer en désert,

ou changer les sources d’eau en lieux secs ;

34d’un sol fertile, il fait une saline107.34 Le sel rend le sol stérile (Gn 13.10 ; 14.3 ; 19.24-26 ; Dt 29.22).

quand ses habitants pratiquent le mal.

35Mais il change aussi le désert en lac

et la terre aride en sources d’eau vive,

36et il y établit ╵ceux qui ont faim,

pour qu’ils y fondent ╵une ville habitable,

37qu’ils ensemencent des champs et plantent des vignes

qui porteront des fruits en abondance.

38Il les bénit en sorte qu’ils se multiplient,

et il ne laisse pas ╵décroître leur bétail.

39D’autres sont réduits à un petit nombre, ╵écrasés sous le poids

de l’oppression, ╵du malheur et de la souffrance.

40Dieu répand le mépris sur les puissants,

les fait errer dans un désert sans route.

41Mais il délivre le pauvre de la détresse

et rend les familles fécondes ╵comme le petit bétail.

42Les hommes droits le voient et ils s’en réjouissent,

mais toute méchanceté a la bouche close.

43Que celui qui est sage ╵prête attention à tout cela,

et qu’il médite sur l’amour ╵de l’Eternel.

Tagalog Contemporary Bible

Salmo 107:1-43

Salmo 107

Pagpupuri sa Kabutihan ng Dios

1Magpasalamat kayo sa Panginoon, dahil siyaʼy mabuti;

ang pag-ibig niyaʼy magpakailanman.

2Sabihin ninyo ito, kayo na iniligtas niya sa kamay ng mga kaaway.

3Dahil tinipon niya kayo mula sa silangan, kanluran, timog at hilaga.

4May mga taong naglakbay sa ilang;

hindi nila makita ang daan papuntang lundsod na maaari nilang tirhan.

5Silaʼy nagutom at nauhaw at halos mamatay na.

6Sa kanilang kahirapan, tumawag sila sa Panginoon,

at iniligtas niya sila sa kagipitan.

7At pinatnubayan niya sila papunta sa lungsod na matitirahan.

8Kaya dapat silang magpasalamat sa Panginoon dahil sa pag-ibig niya at kahanga-hangang gawa sa mga tao.

9Dahil pinaiinom niya ang mga nauuhaw,

at pinakakain ang mga nagugutom.

10May mga taong ibinilanggo at kinadenahan na nakaupo sa napakadilim na piitan.

11Nabilanggo sila dahil nagrebelde sila sa mga sinabi ng Kataas-taasang Dios at hindi sumunod sa kanyang mga payo.

12Kaya pinahirapan niya sila sa kanilang mabigat na trabaho.

Nabuwal sila ngunit walang sinumang sumaklolo.

13Sa kanilang kagipitan, silaʼy tumawag sa Panginoon,

at silaʼy kanyang iniligtas.

14Pinutol niya ang kanilang mga kadena

at silaʼy kinuha niya sa napakadilim na piitan.

15Kaya dapat silang magpasalamat sa Panginoon,

dahil sa pag-ibig niya at kahanga-hangang gawa sa mga tao.

16Dahil giniba niya ang mga pintuang tanso

at binali ang mga rehas na bakal.

17May mga naging hangal dahil sa kanilang likong pamumuhay,

at silaʼy naghirap dahil sa kanilang kasalanan.

18Nawalan sila nang gana sa kahit anong pagkain at malapit nang mamatay.

19Sa kanilang kagipitan, tumawag sila sa Panginoon,

at iniligtas niya sila.

20Sa kanyang salita silaʼy nagsigaling

at iniligtas niya sila sa kamatayan.

21Kaya dapat silang magpasalamat sa Panginoon,

dahil sa pag-ibig niya at kahanga-hangang gawa sa mga tao.

22Dapat silang mag-alay ng handog ng pasasalamat sa kanya

at ihayag ang kanyang mga ginawa nang may masayang pag-aawitan.

23May mga taong sumakay sa mga barko at nagbiyahe sa karagatan, dahil ito ang kanilang hanapbuhay.

24Nakita nila ang kahanga-hangang mga gawa ng Panginoon sa karagatan.

25Sa utos ng Panginoon, ang hangin ay lumakas at lumaki ang mga alon.

26Kaya pumapaitaas ang kanilang barko nang napakataas at pumapailalim.

At silaʼy nangatakot sa nagbabantang kapahamakan.

27Silaʼy susuray-suray na parang mga lasing,

at hindi na alam kung ano ang gagawin.

28Sa kanilang kagipitan, tumawag sila sa Panginoon,

at silaʼy iniligtas niya mula sa kapahamakan.

29Pinatigil niya ang malakas na hangin at kumalma ang dagat.

30At nang kumalma ang dagat, silaʼy nagalak,

at pinatnubayan sila ng Dios hanggang sa makarating sila sa nais nilang daungan.

31Kaya dapat silang magpasalamat sa Panginoon,

dahil sa pag-ibig niya at kahanga-hangang gawa sa mga tao.

32Dapat nilang parangalan ang Dios sa kanilang pagtitipon,

at purihin siya sa pagtitipon ng mga namamahala sa kanila.

33Nagagawa ng Panginoon ang ilog na maging ilang,

at ang mga bukal na maging tuyong lupa.

34Nagagawa rin ng Panginoon na walang maani sa matabang lupa,

dahil sa kasamaan ng mga naninirahan doon.

35Nagagawa rin niya ang ilang na maging tubigan,

at sa mga tuyong lupain ay magkaroon ng mga bukal.

36Pinapatira niya roon ang mga taong nagugutom,

at nagtatayo sila ng lungsod na kanilang tatahanan.

37Nagsasabog sila ng binhi sa bukirin at nagtatanim ng ubas,

kaya sagana sila pagdating ng anihan.

38Silaʼy pinagpapala ng Dios, at pinararami ang kanilang angkan.

Kahit ang kanilang mga alagang hayop ay nadadagdagan.

39Ngunit dahil sa pang-aapi, kahirapan at pagkabagabag, silaʼy nabawasan at napahiya.

40Isinusumpa ng Dios ang mga umaapi sa kanila,

at silaʼy ililigaw at gagala sa ilang na walang daan.

41Ngunit tinulungan niya ang mga dukha sa kanilang kahirapan,

at pinarami ang kanilang sambahayan na parang kawan.

42Nakita ito ng mga matuwid at silaʼy nagalak,

ngunit tumahimik ang masasama.

43Ang mga bagay na itoʼy dapat ingatan sa puso ng mga taong marunong,

at dapat din nilang isipin ang dakilang pag-ibig ng Panginoon.