Nombres 6 – BDS & TCB

La Bible du Semeur

Nombres 6:1-27

Les personnes qui se consacrent à l’Eternel

1L’Eternel parla à Moïse en ces termes : 2Dis aux Israélites : Lorsqu’un homme ou une femme se consacre d’une manière spéciale à l’Eternel en faisant vœu de consécration6.2 Selon la signification du terme hébreu, souvent transcrit vœu de naziréat. De même aux v. 13, 19, 21. Ce vœu concernait trois domaines : l’alimentation, l’apparence extérieure et la pureté rituelle. Ce vœu de consécration particulière concernait une période définie, pouvant, dans quelques cas, durer toute la vie (Samson, Samuel, Jean-Baptiste). Voir Jg 13.5 ; 16.17 ; 1 S 1.11 ; Lc 1.15 ; Ac 21.23-26., 3il s’abstiendra de vin et de boissons fermentées, il ne consommera ni vinaigre de vin ni vinaigre d’une autre boisson enivrante, il ne boira pas de jus de raisin et ne mangera pas de raisins, qu’ils soient frais ou secs. 4Durant tout le temps de sa consécration, il ne mangera aucun produit confectionné à partir du fruit de la vigne, depuis les pépins jusqu’à la peau du raisin. 5Pendant toute cette période, le rasoir ne devra pas toucher sa tête ; jusqu’à ce que s’achève le temps de sa consécration à l’Eternel, il sera saint et se laissera pousser librement les cheveux et la barbe. 6Durant tout le temps pendant lequel il est consacré à l’Eternel, il ne touchera aucun corps mort. 7Il ne se rendra même pas rituellement impur pour son père, sa mère, son frère ou sa sœur si ceux-ci viennent à mourir, car il porte sur sa tête la marque de sa consécration à son Dieu. 8Tout le temps de sa consécration, il est saint pour l’Eternel.

9Si quelqu’un meurt subitement près de lui, sa tête consacrée se trouve rendue impure. Sept jours plus tard, le jour de sa purification, il se rasera les cheveux et la barbe. 10Le huitième jour, il apportera au prêtre deux tourterelles ou deux pigeonneaux, à l’entrée de la tente de la Rencontre. 11Le prêtre en offrira l’un comme sacrifice pour le péché et l’autre comme holocauste, ainsi il fera le rite d’expiation pour la faute qui a été commise par le contact avec un mort. Ce même jour, il consacrera de nouveau sa tête, 12et se consacrera lui-même de nouveau à l’Eternel pour le temps de consécration qu’il avait fixé. Il offrira un agneau dans sa première année à titre de sacrifice de réparation. Les jours déjà écoulés ne compteront pas, du fait que sa période de consécration a été profanée.

13Voici la loi concernant le consacré pour le jour où il aura achevé le temps de sa consécration. Ce jour-là, on le fera venir à l’entrée de la tente de la Rencontre, 14et il offrira son sacrifice à l’Eternel : un agneau dans sa première année, sans défaut, comme holocauste ; une brebis dans sa première année, sans défaut, comme sacrifice pour le péché, et un bélier sans défaut comme sacrifice de communion. 15Il y joindra une corbeille de pains sans levain faits avec de la fleur de farine pétrie à l’huile et des galettes sans levain arrosées d’huile, ainsi que les offrandes et les libations accompagnant ces sacrifices. 16Le prêtre approchera le tout devant l’Eternel, et offrira son sacrifice pour le péché et son holocauste ; 17il offrira aussi à l’Eternel le bélier comme sacrifice de communion, avec la corbeille de pains sans levain et il y joindra son offrande et sa libation. 18Alors, le consacré rasera sa tête consacrée à l’entrée de la tente de la Rencontre, il prendra les cheveux et les poils de barbe de sa tête consacrée et les jettera sur le feu qui brûle sous le sacrifice de communion. 19Le prêtre prendra l’épaule du bélier quand elle sera cuite, ainsi qu’un gâteau sans levain de la corbeille et une galette sans levain6.19 Part normale du prêtre dans le sacrifice de communion, plus l’épaule du bélier et une galette de pain sans levain., et il les déposera dans les mains du consacré, après que celui-ci se sera rasé sa tête consacrée. 20Puis le prêtre accomplira le geste de présentation devant l’Eternel. Ces aliments sont une chose sainte qui revient au prêtre, tout comme la poitrine avec laquelle le geste de présentation a été accompli, et le gigot qui a été prélevé. Après cela, le consacré pourra de nouveau boire du vin.

21Telle est la règle relative au consacré qui a fait un vœu, et voilà ce qu’il offrira à l’Eternel pour sa consécration, sans compter les dons volontaires qu’il pourra promettre si ses moyens le lui permettent. Il agira conformément au vœu qu’il aura prononcé, en plus de ce que prévoit la loi relative à sa consécration.

Bénédiction

22L’Eternel dit à Moïse : 23Parle à Aaron et à ses fils et dis-leur : Voici en quels termes vous bénirez les Israélites. Vous leur direz :

24Que l’Eternel te bénisse et te protège !

25Que l’Eternel te regarde avec bonté ! ╵Et qu’il te fasse grâce !

26Que l’Eternel veille sur toi ╵et t’accorde la paix !

27C’est ainsi qu’ils m’invoqueront en faveur des Israélites, et moi, je les bénirai.

Tagalog Contemporary Bible

Bilang 6:1-27

Ang Tuntunin tungkol sa Taong Inihandog para sa Paglilingkod sa Panginoon

1Sinabi ng Panginoon kay Moises, 2“Sabihin mo sa mga Israelita na kung ang isang lalaki o babae ay gagawa ng isang panata na itatalaga niya ang kanyang sarili sa paglilingkod sa akin bilang Nazareo,6:2 Nazareo: Ang ibig sabihin, itinalaga. Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod. 3kailangang hindi siya iinom ng alak na mula sa ubas o ng kahit na anong nakalalasing na inumin. Hindi rin siya gagamit ng suka na galing sa anumang inuming nakalalasing. Hindi rin siya dapat uminom ng katas ng ubas, o kumain ng ubas o pasas. 4Habang isa siyang Nazareo, kailangang hindi siya kakain ng kahit anong galing sa ubas, kahit na buto o balat nito.

5“Hindi rin niya pagugupitan ang kanyang buhok habang hindi pa natatapos ang kanyang panata sa Panginoon. Kailangang maging banal siya hanggang sa matapos ang panahon ng kanyang panata. Kaya hahayaan lang niyang humaba ang kanyang buhok. 6At habang hindi pa natatapos ang kanyang panata sa Panginoon, hindi siya dapat lumapit sa patay, 7kahit na ama pa niya ito, ina o kapatid. Hindi niya dapat dungisan ang kanyang sarili dahil lang sa kanila. Dahil ang kanyang buhok ay simbolo ng pagtatalaga niya ng kanyang buhay sa Panginoon.6:7 Kaugalian na noon ang pagpapakalbo bilang pagluluksa sa namatay. Hindi ito maaaring gawin ng isang Nazareo. 8Kaya sa buong panahon ng pagtatalaga niya ng kanyang buhay, ibinukod siya para sa Panginoon.

9“Kung may biglang namatay sa kanyang tabi, at dahil ditoʼy nadumihan ang kanyang buhok6:9 buhok: sa Hebreo, ulo. na simbolo ng kanyang pagkakatalaga sa Panginoon, kailangang ahitin niya ito sa ikapitong araw, iyon ang araw ng kanyang paglilinis. 10Sa ikawalong araw, kailangang magdala siya ng dalawang kalapati o dalawang ibon na batu-bato sa pari roon sa pintuan ng Toldang Tipanan. 11Ihahandog ng pari ang isa bilang handog sa paglilinis at ang isa bilang handog na sinusunog. Sa pamamagitan nito, mapapatawad siya sa kasalanan niya na paghipo sa patay. Sa mismong araw na iyon, itatalaga niyang muli ang kanyang sarili6:11 sarili: sa Hebreo, ulo. at muli niyang pahahabain ang kanyang buhok. 12Ang lumipas na mga araw ng kanyang paglilingkod sa Panginoon ay hindi kabilang sa pagtupad niya sa kanyang panata, dahil nadungisan siya nang nakahipo siya ng patay. Kailangang italaga niyang muli ang kanyang sarili hanggang sa matapos ang kanyang panata, at magdala siya ng lalaking tupa bilang handog na pambayad sa kanyang kasalanan.

13“Ito ang kanyang dapat gawin kapag natapos na niya ang kanyang panata bilang Nazareo: Kailangang dalhin siya sa pintuan ng Toldang Tipanan. 14Doon, maghahandog siya sa Panginoon nitong mga sumusunod na hayop na walang kapintasan: isang lalaking tupa na isang taong gulang bilang handog na sinusunog, isang babaeng tupa na isang taong gulang din bilang handog sa paglilinis at isang lalaking tupa bilang handog para sa mabuting relasyon. 15Bukod pa rito, maghahandog din siya ng mga handog bilang pagpaparangal sa Panginoon, mga handog na inumin at isang basket ng tinapay na walang pampaalsa, na ginawa mula sa magandang klaseng harina. Ang ibang tinapay ay makapal na hinaluan ng langis, at ang iba naman ay manipis na pinahiran ng langis.

16“Ang pari ang maghahandog nito sa Panginoon: Ihahandog niya ang handog sa paglilinis at ang handog na sinusunog; 17pagkatapos, ihahandog din niya ang lalaking tupa bilang handog para sa mabuting relasyon kasama ang isang basket na tinapay na walang pampaalsa. At ihahandog din niya ang mga handog bilang pagpaparangal sa Panginoon at ang mga handog na inumin.

18“At doon sa pintuan ng Toldang Tipanan aahitin ng Nazareo ang kanyang buhok na simbolo ng pagtatalaga niya ng kanyang buhay sa Panginoon. Susunugin niya ito sa apoy na pinagsusunugan ng handog na para sa mabuting relasyon. 19Pagkatapos nito, ilalagay ng pari sa kamay ng Nazareo ang balikat ng nilagang tupa at ang manipis at makapal na mga tinapay na walang pampaalsa na galing sa basket. 20Pagkatapos, kukunin ito ng pari at itataas sa presensya ng Panginoon bilang handog na itinaas. Banal ang bahaging ito ng handog, at ito ay para na sa pari, pati ang dibdib at paa ng tupa na itinaas din sa Panginoon. Pagkatapos nito, maaari nang makainom ng alak na ubas ang Nazareo.

21“Ito ang tuntunin para sa isang Nazareo. Pero kung mangangako ang isang Nazareo na maghahandog siya sa Panginoon na sobra sa ipinatutupad sa kanyang panata, dapat niya itong sundin.”

Ang Pagbendisyon ng mga Pari

22Sinabi ng Panginoon kay Moises, 23“Sabihin mo kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki na ito ang kanilang sasabihin kapag magbabasbas sila sa mga Israelita:

24‘Pagpalain sana kayo ng Panginoon.

25Ipakita sana ng Panginoon ang kanyang kabutihan at awa sa inyo.

26At malugod sana ang Panginoon sa inyo at bigyan niya kayo ng mabuting kalagayan.’

27“Sa pamamagitan nitoʼy maipapahayag nila sa mga Israelita kung sino ako, at pagpapalain ko sila.”