Lévitique 26 – BDS & TCB

La Bible du Semeur

Lévitique 26:1-46

Les sanctions de l’alliance

Les bénédictions

1Vous ne vous fabriquerez pas d’idoles, vous ne vous dresserez ni statue ni stèle, et vous ne mettrez pas dans votre pays de pierre sculptée avec des figures pour vous prosterner devant elle ; car je suis l’Eternel, votre Dieu26.1 Voir 19.4..

2Vous observerez les jours de repos que je vous ai prescrits et vous révérerez mon sanctuaire. Je suis l’Eternel.

3Si vous suivez mes ordonnances, si vous obéissez à mes commandements et si vous les appliquez26.3 Pour les v. 3-5, voir Dt 11.13-15., 4je vous donnerai vos pluies en leur saison26.4 Les deux saisons de pluies nécessaires à la fertilité du sol : celles d’automne (octobre-décembre) pour ameublir le sol avant les semailles, celles de printemps pour faire grossir les grains et les fruits., la terre livrera ses produits et les vergers donneront leurs fruits. 5Vous serez encore en train de battre le blé quand viendra le temps de la vendange et celle-ci durera jusqu’aux semailles26.5 La moisson sera si abondante que le battage du blé se prolongera jusqu’en septembre, et la vendange si productive qu’elle durera jusqu’à fin octobre (voir Am 9.13). ; vous mangerez du pain à satiété, et vous habiterez en sécurité dans votre pays. 6Je ferai régner la paix dans le pays ; quand vous vous coucherez, rien ne viendra troubler votre sommeil. Je ferai disparaître du pays les animaux nuisibles, et l’épée ne traversera pas votre territoire. 7Vous poursuivrez vos ennemis, et ils succomberont devant vous sous les coups de l’épée. 8Cinq d’entre vous en poursuivront cent, et cent d’entre vous en mettront dix mille en fuite, et vos ennemis tomberont devant vous sous les coups de l’épée. 9Je prendrai soin de vous, je vous rendrai féconds et vous multiplierai, et je maintiendrai mon alliance avec vous. 10Vous pourrez vivre longtemps de la récolte précédente, et vous devrez sortir l’ancienne pour engranger la nouvelle. 11Je mettrai ma demeure au milieu de vous, et je ne vous rejetterai pas. 12Je marcherai au milieu de vous : je serai votre Dieu et vous serez mon peuple26.12 Cité en 2 Co 6.16 ; Ap 21.3.. 13Je suis l’Eternel votre Dieu, qui vous ai fait sortir d’Egypte et vous ai libérés de l’esclavage. J’ai brisé les barres de votre joug et je vous ai fait marcher la tête haute.

Les malédictions

14Mais si vous ne m’écoutez pas, et si vous n’appliquez pas tous ces commandements, 15si vous méprisez mes ordonnances et si vous rejetez mes lois, pour ne plus appliquer tous mes commandements, si vous violez ainsi mon alliance, 16voici comment j’agirai envers vous : j’interviendrai contre vous pour vous plonger dans l’épouvante et vous envoyer le dépérissement et la fièvre qui consumeront vos yeux et vous mineront. Vous répandrez en vain vos semences, car vos ennemis s’empareront de vos récoltes. 17Je me retournerai contre vous : vous serez battus par vos ennemis ; ceux qui vous haïssent domineront sur vous ; vous fuirez même sans que personne ne vous poursuive.

18Si malgré cela vous ne m’écoutez pas encore, je vous infligerai, pour vos péchés, une correction sept fois plus sévère. 19Je briserai la force dont vous vous enorgueillissez ; je rendrai le ciel au-dessus de vous dur comme du fer, et votre terre comme du bronze. 20Vous épuiserez vos forces en vains efforts ; vos terres ne produiront plus rien et les vergers ne porteront plus de fruit.

21Si vous continuez à me résister en refusant de m’écouter, je vous infligerai sept fois plus de coups pour vous punir de vos péchés. 22Je lâcherai contre vous les bêtes sauvages qui vous raviront vos enfants, déchireront vos bêtes et vous réduiront à un petit nombre, en sorte que vos chemins deviendront déserts26.22 Les fauves se multiplient dans les campagnes dépeuplées (2 R 17.26 ; Ez 5.17)..

23Et si, malgré ces châtiments, vous ne vous laissez pas corriger par moi, si vous vous opposez à moi, 24moi aussi, je m’opposerai à vous et je vous frapperai moi aussi sept fois plus à cause de vos péchés. 25Je déclencherai des guerres contre vous pour vous punir d’avoir transgressé l’alliance. Si vous vous réfugiez dans vos villes, je déchaînerai la peste au milieu de vous, et vous serez livrés à la merci de l’ennemi. 26Je vous couperai les vivres, de sorte que dix femmes pourront cuire tout votre pain dans un seul four, elles vous le distribueront par rations pesées, et il n’apaisera pas votre faim.

27Si malgré cela vous ne m’écoutez pas, si vous continuez à vous opposer à moi, 28je m’opposerai à vous avec fureur et je vous corrigerai encore sept fois plus à cause de vos péchés. 29Vous mangerez vos propres enfants. 30Je dévasterai vos lieux de culte sur les hauteurs, j’abattrai vos autels à parfum, j’entasserai vos cadavres sur les cadavres de vos idoles, et je vous prendrai en aversion. 31Je réduirai vos villes en ruine, je ravagerai vos sanctuaires, je ne me laisserai pas apaiser par l’odeur de vos sacrifices. 32Je dévasterai moi-même le pays, de sorte que vos ennemis venus l’occuper en seront stupéfaits. 33Quant à vous, je vous disperserai parmi des peuples étrangers et je vous poursuivrai avec l’épée, votre pays sera dévasté et vos villes deviendront des monceaux de ruines.

34Alors la terre jouira d’années de repos durant tout le temps qu’elle sera désolée et que vous serez dans le pays de vos ennemis ; enfin elle chômera et jouira de son repos26.34 Voir 2 Ch 36.21.. 35Durant toute cette période où elle demeurera dévastée, elle se reposera pour les années de repos dont vous l’aurez frustrée le temps que vous l’aurez habitée.

36Quant à ceux d’entre vous qui survivront, je plongerai leur cœur dans l’angoisse en exil, chez leurs ennemis ; au seul bruit d’une feuille, ils fuiront comme on fuit devant l’épée de l’ennemi et ils tomberont sans que personne les poursuive. 37Ils trébucheront l’un sur l’autre comme lorsqu’on fuit devant l’épée sans que personne ne les poursuive, et ils seront incapables de résister à leurs ennemis. 38Vous périrez chez des peuples étrangers et le pays de vos ennemis vous dévorera. 39Ceux d’entre vous qui survivront dépériront dans le pays de vos ennemis à cause de leurs péchés et aussi à cause de ceux de leurs ancêtres.

L’Eternel maintiendra son alliance

40Alors ils reconnaîtront leur faute et celle de leurs ancêtres, qu’ils ont commises en se rebellant contre moi et en s’opposant à moi. 41C’est à cause de cela qu’à mon tour je m’opposerai à eux et que je les enverrai dans le pays de leurs ennemis. Si alors leur cœur incirconcis s’humilie et qu’ils reconnaissent que leur châtiment est juste26.41 Autres traductions : qu’ils reconnaissent leurs fautes, ou : qu’ils fassent amende honorable pour leurs fautes., 42j’agirai en fonction de mon alliance avec Jacob, de mon alliance avec Isaac, et de mon alliance avec Abraham, et j’interviendrai en faveur du pays26.42 Voir Gn 12.7 ; 17.7-8 ; 26.3-4 ; 28.13-14.. 43Car le pays sera abandonné par eux et il jouira du repos, après sa dévastation, pendant leur absence. Ils reconnaîtront la justice de leur châtiment, parce qu’ils auront méprisé mes commandements et rejeté mes lois. 44Et pourtant, même alors, lorsqu’ils seront dans le pays de leurs ennemis, je ne les rejetterai pas et je ne les prendrai pas en aversion au point de les exterminer et de rompre mon alliance avec eux ; car je suis l’Eternel leur Dieu. 45J’agirai en leur faveur conformément à l’alliance conclue avec leurs ancêtres que j’ai fait sortir d’Egypte aux yeux des autres peuples pour être leur Dieu : je suis l’Eternel.

Conclusion

46Telles sont les ordonnances, les articles de droit et les lois que l’Eternel établit entre lui et les Israélites au mont Sinaï, par l’intermédiaire de Moïse.

Tagalog Contemporary Bible

Leviticus 26:1-46

Ang Gantimpala sa mga Masunurin

(Deu. 7:11-24; 28:1-14)

1Huwag kayong gagawa ng mga dios-diosan katulad ng mga inukit na imahen, mga alaalang bato, o batong may larawan para sambahin, dahil ako ang Panginoon na inyong Dios.

2Sundin ninyo ang ipinapagawa ko sa inyo sa Araw ng Pamamahinga at igalang ninyo ang lugar na pinagsasambahan ninyo sa akin. Ako ang Panginoon.

3Kung susundin ninyo ang aking mga tuntunin at mga utos, 4pauulanin ko sa inyong lugar sa tamang panahon para umani ng sagana ang lupain ninyo at mamunga ng marami ang mga punongkahoy. 5Kaya gigiik kayo ng mga butil hanggang sa panahon ng pamimitas ng ubas, at ang pamimitas naman ng ubas ay magpapatuloy hanggang sa panahon ng paghahasik. Kaya magiging sagana kayo sa inyong pagkain at mamumuhay kayong payapa sa inyong lupain.

6Bibigyan ko ng kapayapaan ang inyong lupain kaya makakatulog kayo ng walang kinatatakutan. Palalayasin ko ang mababangis na hayop sa inyong lugar, at walang kalaban na sasalakay sa inyo. 7Kayo ang sasalakay sa inyong mga kalaban at papatayin ninyo sila. 8Tatalunin ng lima sa inyo ang 100, at ang 100 sa inyo ay tatalo ng 10,000. 9Iingatan ko kayo at pararamihin para matupad ko ang aking pangako sa inyo. 10At dahil sa kasaganaan ng inyong ani, ang inyong kakainin ay mula pa sa dati ninyong inani, na hindi pa nauubos sa lalagyan hanggang sa dumating ang bagong ani na papalit dito. 11Maninirahan akong kasama ninyo at hindi ko kayo pababayaan. 12Akoʼy magiging kasama ninyo, at patuloy akong magiging Dios ninyo, at patuloy kayong magiging mga mamamayan ko. 13Ako ang Panginoon na inyong Dios na naglabas sa inyo sa Egipto para huwag na kayong maging mga alipin ng mga taga-Egipto. Pinalaya ko na kayo, kaya wala na kayong dapat ikahiya.

Ang Parusa sa mga Sumusuway

(Deu. 28:15-68)

14-15Pero kung hindi kayo makikinig sa akin, at hindi ninyo susundin ang aking mga utos at tuntunin, nilalabag ninyo ang kasunduan ko sa inyo. 16Kaya ganito ang gagawin ko sa inyo. Bigla kayong masisindak sa takot dahil padadalhan ko kayo ng mga sakit na hindi gumagaling, at lagnat na magpapadilim ng inyong paningin at magpapahina ng inyong katawan. Magtatanim kayo, pero hindi rin ninyo pakikinabangan dahil sasalakayin kayo ng inyong mga kalaban at kukunin nila at kakainin ang inyong mga ani. 17Pababayaan ko kayong matalo ng inyong mga kalaban, at kayoʼy sasakupin nitong mga napopoot sa inyo. At dahil sa takot sa kanila, tatakas kayo kahit na walang humahabol sa inyo. 18At kung hindi pa rin kayo makikinig sa akin, parurusahan ko kayo ng pitong beses.26:18 pitong beses: Ang ibig sabihin, pitong beses ang tindi. Ganito rin sa talatang 21 at 24. 19Aalisin ko ang katigasan ng inyong ulo sa pamamagitan ng hindi pagpapadala ng ulan sa inyo, kaya matitigang ang inyong mga lupain.26:19 hindi … lupain: sa literal, Gagawin ko ang ulap na gaya ng bakal at ang bukid na gaya ng tanso. 20Mawawalan ng kabuluhan ang inyong pagtatrabaho, dahil wala kayong aanihin sa inyong mga lupain at hindi rin mamumunga ang inyong mga punongkahoy.

21At kung patuloy pa rin kayong hindi makikinig sa akin, dadagdagan ko pa ng pitong beses ang tindi ng parusa sa inyo. 22Padadalhan ko kayo ng mababangis na hayop at papatayin nila ang inyong mga anak at mga alagang hayop. At dahil dito, kakaunti na lang ang matitira sa inyo at iilan-ilan na lang ang makikitang lumalakad sa daan ninyo.

23Kung hindi pa rin kayo makikinig at patuloy pa rin na susuway sa akin, 24ako na ang makakalaban ninyo at parurusahan ko kayo ng pitong beses. 25Ipapasalakay ko kayo sa inyong mga kalaban para parusahan kayo dahil sa inyong pagsuway sa kasunduan natin. Kahit na magtago kayo sa loob ng inyong lungsod, padadalhan ko pa rin kayo ng salot. At dahil dito, mapipilitan kayong sumuko sa inyong mga kalaban. 26Kukulangin kayo ng pagkain, kaya iisang kalan ang paglulutuan ng tinapay ng sampung babae at iyon ay paghahati-hatian pa ninyo. Makakakain nga kayo pero hindi kayo mabubusog.

27At kung hindi pa rin kayo makikinig at patuloy pang susuway sa akin, 28magagalit na ako sa inyo at kakalabanin ko kayo, at parurusahan ko kayo ng pitong beses.26:28 pitong beses: Tingnan ang “footnote” sa 26:18. 29Gugutumin ko kayo, at mapipilitan kayong kumain ng sarili ninyong anak. 30Wawasakin ko ang inyong mga sambahan sa matataas na lugar,26:30 sambahan sa matataas na lugar: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod. pati na ang mga altar na pagsusunugan ng insenso. Itatapon ko ang inyong mga bangkay sa ibabaw ng mga patay nʼyong dios-diosan. At itatakwil ko kayo. 31Wawasakin ko ang inyong mga lungsod at mga sambahan. At hindi ko na nanaisin ang mabangong samyo ng inyong mga handog. 32Wawasakin ko ang inyong lupain at magtataka ang inyong mga kalaban na sasakop nito. 33Pasasapitin ko sa inyo ang digmaan na gigiba ng inyong mga bayan at mga lungsod, at pangangalatin ko kayo sa mga bansa. 34-35Habang bihag kayo ng inyong mga kalaban sa ibang lugar, makakapagpahinga na ang inyong lupain. Sapagkat noong nakatira pa kayo sa inyong lupain, hindi ninyo ito pinagpahinga kahit na sa panahon ng pagpapahinga ng inyong lupain. Pero ngayon ay makakapagpahinga na ito habang nasa ibang lugar kayo.

36-37Kayong mga natitirang buhay na binihag at dinala ng inyong mga kalaban sa kanilang lugar ay padadalhan ko ng labis na pagkatakot. At kahit na kaluskos lang ng dahon sa ihip ng hangin ay katatakutan ninyo, tatakas kayong parang hinahabol upang patayin, kahit walang humahabol sa inyo. At habang tumatakas kayo, magbabanggaan kayo at magkakandarapa. Hindi kayo makakalaban sa inyong mga kalaban. 38Mamamatay kayo sa lugar ng inyong mga kalaban. 39At ang matitira sa inyoʼy unti-unting mamamatay dahil sa inyong mga kasalanan at sa kasalanan ng inyong mga ninuno.

40-41Dahil sa inyong pagtataksil at pagsuway sa akin, kinalaban ko kayo at ipinabihag sa inyong mga kalaban. Pero kung ipapahayag ninyo ang inyong mga kasalanan at ang kasalanan ng inyong mga ninuno, at titigilan na ang inyong pagmamatigas, at tatanggapin ang mga parusa para sa inyong mga kasalanan, 42tutuparin ko ang kasunduan ko sa inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob at ibabalik ko kayo sa inyong lupain. 43Pero kinakailangang paalisin ko muna kayo sa inyong lupain bilang parusa sa inyong mga kasalanan dahil sa pagsuway ninyo sa aking mga utos at mga tuntunin. At para makapagpahinga ang lupain ninyo habang wala kayo roon. 44Ngunit kahit na pinarurusahan ko kayo, hindi ko kayo itatakwil habang kayoʼy nasa lupain ng inyong mga kalaban. Hindi ko kayo lilipulin na walang matitira sa inyo. Sapagkat hindi ko maaaring sirain ang kasunduan ko sa inyo, dahil ako ang Panginoon na inyong Dios. 45Tutuparin ko ang kasunduan ko sa inyong mga ninuno na inilabas ko sa Egipto para maipakita ko sa mga bansa ang aking kapangyarihan. Ginawa ko ito sa inyong mga ninuno para maging Dios nila ako. Ako ang Panginoon.

46Ito ang mga utos at mga tuntuning ibinigay ng Panginoon sa mga Israelita roon sa Bundok ng Sinai sa pamamagitan ni Moises.