Job 6 – BDS & TCB

La Bible du Semeur

Job 6:1-30

Réponse de Job à Éliphaz

Job se sent trahi par ses amis

1Job prit la parole et dit :

2Ah ! si mon affliction ╵pouvait être pesée

et s’il était possible ╵de mettre toute ma misère ╵sur les plateaux d’une balance,

3assurément mon malheur ╵est plus pesant ╵que le sable des mers,

c’est pourquoi mes paroles ╵dépassent la mesure.

4Car les flèches du Tout-Puissant ╵sont plantées dans mon être

et mon esprit boit leur poison6.4 Allusion à des flèches empoisonnées, utilisées fréquemment autrefois, et à une troupe d’assaillants.,

oui, je suis assailli ╵par les terreurs que Dieu m’envoie.

5Un âne se met-il à braire ╵pendant qu’il broute l’herbe tendre ?

Un bœuf se met-il à mugir ╵quand il est devant son fourrage ?

6Un repas fade et insipide ╵se mange-t-il sans sel ?

Peut-on trouver de la saveur ╵dans le blanc d’œuf ?

7Ce qu’autrefois je refusais ╵est devenu ma nourriture.

C’est là mon pain, ╵même s’il me répugne6.7 Hébreu peu clair..

8Ah ! qui fera ╵aboutir ma requête !

Que Dieu m’accorde ╵ce que j’espère !

9Que Dieu consente ╵à m’écraser !

Qu’il laisse aller sa main ╵et me détruise.

10J’aurai du moins un réconfort,

et je tressaillirai de joie ╵au sein de tourments implacables,

car je n’aurai trahi ╵aucun des ordres du Dieu saint.

11Pourquoi espérerais-je ╵quand je n’ai plus de force ?

A quoi bon vivre encore ╵vu la fin qui m’attend ?

12Du roc ai-je la résistance ?

Mon corps est-il de bronze ?

13Et puiserai-je encore en moi ╵des ressources pour m’en sortir ?

Toute aide m’est ôtée.

14L’homme désespéré ╵a droit à de la compassion ╵de la part d’un ami,

oui, même s’il cessait6.14 Autre traduction : sinon il cessera. de craindre ╵le Tout-Puissant.

15Mes amis m’ont trahi ╵comme un torrent,

comme un de ces cours d’eau ╵dont le lit est à sec.

16Lorsque la glace fond ╵et que les neiges ╵s’engloutissent en eux,

ils charrient des eaux troubles.

17Mais à la saison sèche, ╵leurs cours tarissent.

Quand viennent les chaleurs, ╵ils s’éteignent sur place.

18Pour eux, les caravanes ╵dévient de leur chemin,

elles vont s’enfoncer ╵loin dans les solitudes, ╵et elles y périssent.

19Les caravanes de Téma6.19 Tribu du nord de l’Arabie qui se livrait au commerce par caravanes (Gn 25.15 ; Es 21.14 ; Jr 25.23 ; 1 Ch 1.30). ╵les cherchent du regard,

les convois de Saba6.19 Voir note 1.15. ╵comptent sur eux.

20Mais ils sont pleins de honte ╵d’avoir mis leur espoir en eux :

arrivés jusqu’à eux ╵ils étaient tout penauds.

21C’est là ce que vous êtes ╵pour moi en ce moment :

en voyant mon malheur, ╵vous êtes pris de peur !

22Et pourquoi donc ? ╵Vous ai-je dit : ╵« Donnez-moi de vos biens

et, de votre fortune, ╵payez une rançon,

23pour me faire échapper ╵aux mains de l’adversaire

et pour me délivrer ╵du pouvoir des tyrans » ?

24Faites-le-moi savoir ╵et moi je me tairai.

En quoi ai-je failli ? ╵Faites-le-moi comprendre !

25Ah ! Combien seraient efficaces ╵des discours équitables !

Mais à quoi servent vos critiques ?

26Avez-vous l’intention ╵de blâmer de simples paroles,

des mots jetés au vent ╵par un désespéré6.26 Autre traduction : et de jeter au vent les propos d’un désespéré. ?

27Sur un orphelin même, ╵vous iriez vous ruer

et feriez bon marché ╵de votre ami intime.

28Mais, veuillez cependant ╵me regarder en face :

vous mentirais-je effrontément ?

29Revenez en arrière, ╵ne soyez pas perfides.

Oui, revenez encore, ╵car c’est mon innocence ╵qui est en cause.

30Y a-t-il dans ma bouche ╵de la perversité ?

Mon palais ne sait-il ╵plus discerner le mal ?

Tagalog Contemporary Bible

Job 6:1-30

Sumagot si Job

1Sumagot si Job,

2“Kung matitimbang lang ang dinaranas kong pagtitiis at paghihirap, 3mas mabigat pa ito kaysa sa buhangin sa tabing-dagat. Iyan ang dahilan kung bakit nagsasalita ako nang hindi ko pinag-iisipan nang mabuti. 4Sapagkat para akong pinana ng Makapangyarihan na Dios ng panang nakakalason, at ang lason nitoʼy kumalat sa buo kong katawan. Ang nakakatakot na pana ng Dios ay nakatusok na sa akin. 5Wala ba akong karapatang dumaing? Kahit asnong-gubat at baka ay umaatungal kapag walang damo. 6Ang tao namaʼy nagrereklamo kapag walang asin ang kanyang pagkain, lalo naʼt kung ang kakainin ay puti lang ng itlog. 7Ako man ay wala ring ganang kainin iyan, para akong masusuka.

8“Nawaʼy ibigay ng Dios sa akin ang aking kahilingan. Matanggap ko na sana ang aking hinahangad, 9na bawiin na lang sana ng Dios ang aking buhay. 10At kapag itoʼy nangyari, masaya pa rin ako, dahil sa kabila ng aking paghihirap hinding-hindi ko itinakwil ang mga salita ng Banal na Dios.

11“Ngunit pagod na akong maghintay at wala na rin akong maaasahan pa. Bakit kailangang patagalin pa ang buhay ko? 12Kasingtibay ba ako ng bato at gawa ba sa tanso ang katawan ko? Hindi! 13Wala na akong lakas para iligtas ang sarili ko. Wala na rin akong pagkakataong magtagumpay pa.

14“Bilang mga kaibigan nais kong damayan ninyo ako sa paghihirap kong ito, kahit na sa tingin ninyoʼy itinakwil ko na ang Dios na Makapangyarihan. 15Pero kayong mga itinuturing kong kapatid ay hindi pala maaasahan; para kayong sapa na kung minsan ay umaapaw ang tubig at kung minsan naman ay tuyo. 16Itoʼy umaapaw kapag napupuno ng tunaw na yelo at nyebe, 17at natutuyo kapag tag-init. 18Kapag dumaan doon ang mga naglalakbay, wala silang tubig na maiinom, kaya pagdating nila sa ilang namamatay sila. 19Ang mga mangangalakal na nagmula sa Tema at Sheba na naglalakbay ay umaasang makakainom sa sapa, 20pero nabigo sila. Umaasa silang may tubig doon pero wala pala. 21Ang sapa na iyon ang katulad ninyo. Wala rin kayong naitutulong sa akin. Natakot kayo nang makita ninyo ang nakakaawa kong kalagayan. 22Pero bakit? Humingi ba ako ng regalo sa inyo? Nakiusap ba ako na tulungan ninyo ako mula sa inyong kayamanan, 23o iligtas sa kamay ng aking mga kaaway? 24Hindi! Ang pakiusap ko lamang ay sabihin ninyo sa akin ang tamang sagot sa nangyayari sa akin, at tatahimik na ako. Sabihin ninyo sa akin kung ano ang nagawa kong pagkakamali. 25Hindi baleng masakit ang sasabihin ninyo bastaʼt iyon ay totoo. Pero ang ibinibintang ninyo sa akin ay hindi totoo at hindi ninyo mapatunayan. 26Gusto ninyong ituwid ang mga sinasabi ko, dahil para sa inyo, ang aking sinasabi bilang desperadong tao ay walang kabuluhan. 27Bakit, kayo baʼy matuwid? Nagagawa nga ninyong ipaalipin ang isang ulila, o di kayaʼy ipagbili ang isang kaibigan! 28Tingnan ninyo ako. Sa tingin ba ninyoʼy magsisinungaling ako sa inyo? 29Tigilan na ninyo ang paghatol sa akin, dahil wala akong kasalanan. 30Akala ba ninyo ay nagsisinungaling ako, at hindi ko alam kung ano ang tama at mali?