Nahum 3 – APSD-CEB & TCB

Ang Pulong Sa Dios

Nahum 3:1-19

Alaot ang Nineve

1Alaot ang siyudad sa dugo, puno sa bakak, puno sa kawat, walay higayon nga walay biktima. 2Ang liki sa witik, ang kagay sa mga ligid, nagdagan nga mga kabayo ug makakurat nga mga karwahi. 3Mihasmag nga mga kabalyero, misilaw nga mga espada, nagpangidlap nga mga bangkaw Daghan ang mga angol, nagbuy-od nga mga patayng lawas, lawas nga dili na maihap, katawhan nangapandol sa mga minatay. 4Tanan tungod sa pagpatuyang sa kaulag, sa buring, nga makadani, kerida sa mubarang. Nagaulipon sa kanasuran ang iyang prostitusyon ug mga tawo sa iyang pangabat.

5Ako batok kanimo, nagaingon ang Ginoo nga Makagagahum. Akong ipataas ang imong saya sa imong nawong. Ako ipakita sa kanasuran ang imong pagkahubo ug ang mga gingharian sa imong kaulawan. 6Ako kang labayon ug hugaw, itrato ko ikaw nga talamayon ug talan-awon sa kaulawan. 7Ang tanan nga makakita kanimo mopahilayo ug moingon; Ang Nineve nalumpag na kinsa man ang magbangutan alang kaniya? Asa man ko mangita ug usa nga mohupay kanimo?

8Mas maayo pa ba ikaw sa Tebes, nahimutang Nil, uban sa tubig nga nagpalibut kaniya? Ang sapa maoy iyang panalipod, ug ang tubig maoy iyang paril. 9Kusi ug ang Ehipto mao ang iyang walay Kinutobang kusog; Ang Put ug ang Libya mao ang mga kaanib. 10Apan gidala siya nga binilanggo, ug mibiya sila nga binihag; ang iyang mga masuso gidugmok nga pino sa matag eskinita. Giripahan ang iyang mga tinamod, ug ang tanan niyang bantugan gipang-kadinahan. 11Ikaw usab mahimong hubog; motago ikaw ug mangita ug dalangpanan batok sa kaaway. 12Ang tanan nimong kota mahisama sa kahoyng igera uban sa ilang nahaunang hinog nga mga bunga; kon kini paga-uyogon, nga mangahulog sa baba sa makaon niini. 13Lantawa ang imong mga tropa sila puros walay kusog. Ang ganghaan sa imong kayutaan bukas alang sa imong mga kaaway; ang kalayo milamoy sa mga rehas sa imong ganghaan.

14Pagkuhag tubig ug pangandam sa paglikos; lig-ona ang imong depensa! Trabahoa ang kolonon, igiok ang hulmahan, ayoha ang batong tisa. 15Didto ang kalayo mout-ot nimo; ug ang espada moputol kanimo. Sila molamoy sama sa duot sa mga dulon. Mosanay sama sa mga apan-apan, mosanay sama sa mga dulon.

Midaghan kamo sama sa mga dulon! 16Imong gipasanay ang gidaghanon sa mga tigpatigayon hangtud nga midaghan sila labaw pa sa mga kabituonan sa kalangitan, apan sama sa mga dulon, huboan nila ang yuta ug molupad sila pahilayo. 17Ang imong mga gwardiya sama sa dulon, ang imong mga opisyales sama sa panon sa dulon nga nagpahiluna sa mga paril sa mabugnaw nga adlaw apan sa dihang mipakita ang adlaw manglupad sila, ug walay usa ang nasayud hain sila.

18Hari sa Asiria, ang imong mga magbalantay nangatulog lang; ang imong mga halangdon mihigda sa pagpahulay, ang imong katawhan nagkatibulaag sa kabukiran ng walay usa nga motigom kanila. 19Walay makatambal kanimo; kay ang imong samad makamatay. Ang tanan nga makadungog sa balita mopakpak sailang mgakamot sa imong pagtumba; kay kinsa man ang wala makabati sa imong walay kinutoban nga kabangis.

Tagalog Contemporary Bible

Nahum 3:1-19

Kahabag-habag ang Nineve

1Kahabag-habag ang lungsod ng Nineve. Ito ay puno ng kasakiman at kasinungalingan, lungsod ng mamamatay-tao at hindi nauubusan ng mabibiktima. 2Sasalakayin sila ng mga kalaban nila. Maririnig nila ang paghagupit ng latigo, ang ingay ng mga gulong ng mga karwahe, ang yabag ng paa ng mga kabayo, at ang rumaragasang mga karwahe. 3Makikita nila ang sumusugod na mga mangangabayo, ang kumikinang na mga espada at mga sibat, at ang nakabunton na mga patay na di-mabilang. Matitisod sa mga bangkay ang mga sundalo. 4Mangyayari ito sa Nineve dahil para siyang babaeng bayaran na paulit-ulit na ibinenta ang katawan. Nang-aakit siya at nanggagayuma, kaya naeengganyo niya ang mga bansa na magpasakop sa kanya.

5Sinabi ng Panginoong Makapangyarihan, “Mga taga-Nineve, makinig kayo! Kalaban ko kayo! Kaya hihiyain ko kayo sa harap ng mga bansa at mga kaharian. Maihahalintulad kayo sa isang babaeng itinaas ang damit hanggang ulo at nakita ang kahubaran. 6-7Kasusuklaman ko kayo tulad ng isang taong hinagisan ng basura, kaya ang lahat ng makakakita sa inyo ay mandidiri at iiwas sa inyo. Sasabihin nila, ‘Giba na ang Nineve. Walang iiyak o aaliw sa kanya.’ ”

8Higit bang mabuti ang Nineve kaysa sa lungsod ng Tebes na malapit sa Ilog ng Nilo? Ang ilog na ito ang pinakapader ng Tebes na nagsisilbing proteksyon nito. 9Ang Etiopia3:9 Etiopia: sa Hebreo, Cush. at ang buong Egipto ang pinanggagalingan ng lakas ng Tebes, at ang akala niyaʼy mananatili ito magpakailanman. Ang Put at ang Libya ay mga bansang kakampi rin niya. 10Ganoon pa man, naging bihag pa rin ang kanyang mga mamamayan at dinala sa ibang lugar. Ang kanilang mga anak ay pinagdudurog sa mga lansangan. Ginapos ng kadena ang kanilang mga tanyag na mamamayan at pinaghiwa-hiwalay para gawing alipin sa pamamagitan ng palabunutan. 11Kayo rin na mga taga-Nineve, magiging pareho kayo sa lasing na hindi alam kung ano ang nangyayari. Sasalakayin din kayo ng inyong mga kalaban at maghahanap kayo ng inyong matataguan na hindi kayo mahuhuli. 12Ang lahat ng inyong mga napapaderang lungsod ay magiging parang mga puno ng igos na ang unang bunga ay hinog na; at kapag inuga ang puno, malalaglag ang mga bunga at maaari nang kainin. 13Tingnan ninyo ang inyong mga kawal – para silang mga babae! Ang tarangkahan ng pintuan ng inyong lungsod ay masusunog, kaya madali na itong mapapasok ng inyong mga kalaban.

14Humanda na kayo sa pagdating ng inyong kalaban. Mag-ipon na kayo ng tubig. Patibayin ninyo ang mga pader sa palibot ng inyong lungsod. Gumawa kayo ng mga tisa at ayusin ninyo ang mga pader na ito. 15Pero mamamatay kayo sa inyong kinaroroonan sa pamamagitan ng apoy at espada. Para kayong halamanang sinalakay ng mga balang.

Dumami kayo na parang balang! 16Pinarami ninyo ang inyong mga mangangalakal na higit pa sa mga bituin sa langit. Pero magiging tulad sila ng mga balang na pagkatapos na maubos ang mga tanim ay lumipad nang palayo. 17Ang inyong mga tagapagbantay at mga opisyal ay kasindami ng mga balang na nakadapo sa mga pader kapag malamig ang panahon. Pero pagsikat ng araw ay nagliliparan at walang nakakaalam kung saan sila pumunta. 18Hari ng Asiria, mamamatay ang iyong mga pinuno. Mangangalat sa kabundukan ang iyong mga mamamayan, at wala nang magtitipon sa kanila. 19Ang katulad moʼy taong nasugatan nang malubha na hindi gumagaling. Ang lahat ng makakabalita sa sinapit mo ay magpapalakpakan sa tuwa, dahil silang lahat ay nakaranas ng iyong kalupitan.