Nnwom 105 – AKCB & TCB

Akuapem Twi Contemporary Bible

Nnwom 105:1-45

Dwom 105

1Da Awurade ase na da ne kɛseyɛ adi.

Ma wiase nyinaa nhu nea wayɛ.

2Monto dwom mma no, monto ayeyi dwom mma no;

monka nʼanwonwade no nyinaa.

3Monhoahoa mo ho wɔ ne din kronkron mu;

momma wɔn a wɔhwehwɛ Awurade no nnya koma mu anigye.

4Momma mo ani nna Awurade ne nʼahoɔden no so;

na monhwehwɛ nʼanim bere biara.

5Monkae anwonwade a wayɛ

ne nsɛnkyerɛnne, ne atɛn a obui,

6Abraham mma, Onyankopɔn asomfo,

Yakob mma a wapaw wɔn.

7Ɔyɛ Awurade, yɛn Nyankopɔn.

Nʼahenni da adi wɔ asase so nyinaa.

8Ɔkae nʼapam daa nyinaa,

asɛm a ɔhyɛ maa awo ntoantoaso apem no,

9apam a ɔne Abraham yɛe no,

ntam a ɔka kyerɛɛ Isak no.

10Ɔhyɛɛ mu den maa Yakob sɛ mmara,

de maa Israel sɛ apam a ɛbɛtena hɔ afebɔɔ.

11Ɔkae se, “Mede Kanaan asase no bɛma wo

sɛ kyɛfa a ɛbɛyɛ wʼagyapade.”

12Ɔkaa eyi bere a na wɔnnɔɔso,

ahɔhokuw ketewa bi a wɔwɔ Kanaan.

13Wofii aman so kɔɔ aman so;

fii ahemman mu kɔɔ ahemman mu.

14Wamma obi anhyɛ wɔn so;

wɔn nti, ɔkaa ahene anim se:

15“Mommfa mo nsa nka wɔn a masra wɔn ngo;

na monnyɛ mʼadiyifo bɔne bi.”

16Ɔmaa ɔkɔm baa asase no so

na ɔsɛee akwan a wɔfa so nya wɔn aduan nyinaa;

17na ɔsomaa ɔbarima bi dii wɔn anim,

Yosef a wɔtɔn no sɛ akoa no.

18Wɔde mpokyerɛ guu ne nʼanan,

na wɔde dade nkɔnsɔnkɔnsɔn hyɛɛ ne kɔn,

19kosii sɛ nea ɔhyɛɛ ho nkɔm no baa mu,

kosii sɛ Awurade asɛm no daa no adi sɛ ɔyɛ ɔnokwafo.

20Ɔhene no soma ma wokoyii no;

aman no sodifo gyaa no.

21Ɔyɛɛ no ne fi so wura

nea ɔwɔ nyinaa sodifo,

22sɛ ɔnkyerɛ ne mmapɔmma nea ɔpɛ

na ɔnkyerɛ ne mpanyimfo nyansa.

23Na Israel kɔɔ Misraim;

Yakob kɔtenaa Ham asase so sɛ ɔnanani.

24Awurade maa ne nkurɔfo ase dɔe;

ɔyɛɛ wɔn bebree dodo maa wɔn atamfo,

25wɔn a ɔdan wɔn koma sɛ wɔntan ne nkurɔfo

na wɔmpam nʼasomfo ti so.

26Ɔsomaa ne somfo Mose,

ne Aaron a na wayi no no.

27Wɔyɛɛ ne nsɛnkyerɛnne nwonwaso wɔ wɔn mu,

nʼanwonwade wɔ Ham asase so.

28Ɔsomaa sum, na ɔmaa asase duruu sum,

efisɛ na wɔatew nʼasɛm no so atua.

29Ɔmaa wɔn nsu nyinaa dan mogya,

nam so kum mu mpataa.

30Mpɔtorɔ bɛhyɛɛ asase no so ma,

na wɔhyɛn ɔman no sodifo mpia mu.

31Ɔkasae, na nwansena bebree

ne ntontom baa ɔman no mu baabiara.

32Ɔmaa wɔn osu dan mparuwbo

a anyinam nenam mu wɔ ɔman no nyinaa mu;

33Ɔsɛee wɔn bobe ne borɔdɔma nnua

na obubuu ɔman no so nnua pasaa.

34Ɔkasae, na mmoadabi bae,

tɛwtɛw a wontumi nkan wɔn;

35wɔwee ahabammono biara a ɛwɔ wɔn asase no so,

na wodii wɔn mfuw so nnuan.

36Afei okunkum wɔn asase so mmakan nyinaa,

wɔn mmarimayɛ mu aba a edi kan nyinaa.

37Oyii Israel a ɔso dwetɛ ne sikakɔkɔɔ

fii wɔn mmusuakuw mu a obiara ho antɔ kyima.

38Misraim ani gyei, bere a wɔkɔe,

efisɛ na Israelfo ho hu atɔ wɔn so.

39Ɔtrɛw omununkum mu kataa wɔn so,

na ogya maa wɔn hann anadwo.

40Wobisae, na ɔbrɛɛ wɔn mparuwbo

ɔmaa ɔsoro aduan mee wɔn.

41Obuee ɔbotan mu maa nsu fii mu bae;

na ɛsen faa sare no so sɛ asubɔnten.

42Ɔkaee ne bɔ kronkron bi a

ɔhyɛɛ ne somfo Abraham no.

43Oyii ne nkurɔfo maa wɔn ani gyei;

wɔn a wapaw wɔn no dii ahurusi;

44ɔde amanaman no nsase maa wɔn,

na nea ebinom abrɛ anya no bɛyɛɛ wɔn agyapade

45na wɔahwɛ nʼahyɛde

adi ne mmara so.

Munyi Awurade ayɛ.

Tagalog Contemporary Bible

Salmo 105:1-45

Salmo 105

Ang Dios at ang Kanyang mga Mamamayan

(1 Cro. 16:8-22)

1Pasalamatan nʼyo ang Panginoon.

Sambahin nʼyo siya!

Ihayag sa mga tao ang kanyang mga ginawa.

2Awitan nʼyo siya ng mga papuri;

ihayag ang lahat ng kamangha-mangha niyang mga gawa.

3Purihin nʼyo ang kanyang banal na pangalan.

Magalak kayo, kayong mga lumalapit sa Panginoon.

4Magtiwala kayo sa Panginoon,

at sa kanyang kalakasan.

Palagi kayong dumulog sa kanya.

5-6Kayong mga lahi ni Abraham na lingkod ng Dios,

at mga lahi rin ni Jacob na kanyang hinirang,

alalahanin ninyo ang kahanga-hanga niyang mga gawa, mga himala, at ang kanyang paghatol.

7Siya ang Panginoon na ating Dios,

siya ang humahatol sa buong mundo.

8Hindi siya makakalimot sa kanyang pangako kailanman – ang kanyang pangako para sa maraming salinlahi

9– ang pangako niya kay Abraham, gayon din kay Isaac.

10Ipinagpatuloy niya ang kasunduang ito kay Jacob,

at magpapatuloy ito magpakailanman.

11Sinabi niya sa bawat isa sa kanila,

“Ibibigay ko sa iyo ang lupain ng Canaan bilang pamana ko sa iyo at sa iyong mga angkan.”

12Noon ay iilan pa lang ang mga mamamayan ng Dios,

at mga dayuhan pa lang sila sa lupain ng Canaan.

13Nagpalipat-lipat sila sa mga bansa at mga kaharian.

14Ngunit hindi pinahintulutan ng Dios na apihin sila.

Para maproteksyunan sila, sinaway niya ang mga hari na kumakalaban sa kanila.

15Sinabi niya,

“Huwag ninyong galawin ang hinirang kong mga lingkod,

huwag ninyong saktan ang aking mga propeta.”

16Nagpadala ang Dios ng taggutom sa lupain ng Canaan.

Kinuha niyang lahat ang kanilang pagkain.

17Ngunit pinauna na niya si Jose sa Egipto upang silaʼy tulungan.

Ipinagbili siya roon upang maging alipin.

18Kinadenahan ang kanyang mga paa at nilagyan ng bakal ang kanyang leeg,

19hanggang sa nangyari ang kanyang propesiya.

Ang mga sinabi ng Panginoon na naganap sa kanya ay nagpatunay na siyaʼy matuwid.

20Pinalaya siya ng hari ng Egipto na namamahala sa maraming tao,

21at ginawa siyang tagapamahala ng kanyang palasyo at mga ari-arian.

22Bilang tagapamahala, may kapangyarihan siyang turuan ang mga pinuno sa nasasakupan ng hari pati ang kanyang mga tagapayo.

23Pagkatapos, pumunta si Jacob at ang kanyang pamilya sa Egipto, na lupain ng mga lahi ni Ham,

at doon sila nanirahan bilang dayuhan.

24Pinarami ng Panginoon ang kanyang mga mamamayan,

at naging makapangyarihan kaysa sa mga Egipcio na kanilang kaaway.

25Pinahintulutan ng Panginoon na galitin at lokohin ng mga Egipcio ang mga mamamayan na kanyang lingkod.

26Sinugo niya si Moises na kanyang lingkod at si Aaron na kanyang hinirang.

27Ipinakita nila sa lupain ng mga lahi ni Ham ang mga himala na ginawa ng Dios.

28Pinadilim ng Dios ang lupain ng Egipto,

ngunit sumuway pa rin sila sa kanyang mga utos.

29Ginawa niyang dugo ang kanilang mga tubig,

kaya namatay ang kanilang mga isda.

30Napuno ng palaka ang kanilang lupain, at pinasok pati ang mga silid ng kanilang mga pinuno.

31Nag-utos ang Dios, at dumating sa kanilang lupain ang napakaraming niknik at langaw.

32Sa halip na ulan ang ibinigay sa kanilang lupain, yelo ang bumagsak na may kasamang mga kidlat.

33Sinira niya ang tanim nilang mga ubas, mga puno ng igos,

at iba pang mga punongkahoy.

34Sa kanyang utos, dumating ang mga balang na hindi mabilang.

35At kinaing lahat ang kanilang mga tanim, pati ang mga bunga nito.

36Pinatay ng Dios ang lahat nilang panganay na lalaki.

37Pagkatapos nito, pinalabas niya ang mga taga-Israel sa lupain ng Egipto na wala ni isa mang napahamak,

at may dala pa silang mga pilak at ginto.

At sa kanilaʼy wala ni isa mang napahamak.

38Natuwa ang mga Egipcio nang umalis ang mga taga-Israel, dahil takot sila sa kanila.

39Sa kanilang paglalakbay, naglagay ang Dios ng ulap na lililim sa kanila sa init ng araw at kung gabiʼy apoy naman upang magbigay sa kanila ng liwanag.

40Ang mga taoʼy humingi ng makakain,

at pinadalhan sila ng Dios ng mga pugo,

at binusog niya sila ng pagkaing mula sa langit.

41Pinabitak niya ang bato at bumukal ang tubig.

Umagos ito na parang ilog sa tuyong lupa.

42Ang lahat ng ito ay ginawa ng Dios dahil hindi niya kinalimutan ang kanyang pangako kay Abraham na kanyang lingkod.

43Pinalabas niya sa Egipto ang kanyang mga mamamayan na masayang-masaya at sumisigaw sa kagalakan.

44Ibinigay niya sa kanila ang mga lupain ng ibang bansa;

ipinamana sa kanila ang pinaghirapan ng iba.

45Ginawa ito ng Dios

upang sundin nila ang kanyang mga tuntunin at kautusan.

Purihin ang Panginoon!